Miyerkules, Mayo 29, 2013

His Bedmate Chapters 14-16

His Bedmate Chapters 14-16



14: 

 

Dahil nga sa issue sa campus madalas na naming kasama ngayon si Mark. Thankful naman ako na  nandito sya lagi ngayon sa tabi ko. Kahit kailan lagi talaga syang maasahan. :> Sawi man ako sa  lovelife, wagi naman ako sa pagmamahal ng mga kaibigan ko. 

 
1 week na din ang lumipas simula nung insidente namin ni Andrea. At sya? Hindi na sya makapiyok sakin  ngayon dahil kay Mark. Binantaan sya one time ni Mark. Kaya ayan, nanahimik na. So far, pinipilit kong kalimuta si Kurt. May pagkakataon pa nga na nagkakasalubong kami dito sa  campus. Pero katulad dati, nung mga panahon na wala pang nangyayari samin, lalampasan lang nya ako  at hindi man lang titingnan. 

 
Kahit ilang libong beses ko sabihin sa sarili ko na kalimutan na sya, bobo lang masyado ang puso ko  kasi ayaw sumunod sa simpleng instruction na yun. 

 

Ilang taon ko syang inaalagaan sa puso ko. Hindi ganun kadali na kalimutan sya. 

 

Higit lalo na kapag naalala ko ang mga oras na magkasama kami. Sweet din naman sya kahit papano sakin diba? 

 

Napabuntunghininga ako. Naramdaman ko na siniko ako ni Pearl kaya napatingin ako sa kanya. 

 

"Makinig ka kay sir. Kanina pa sya patingin-tingin dito. Nahahalata yata na wala sa lesson nya attention  mo." pabulong na sabi nya. 

 

Napatingin ako kagad sa Prof namin. Pinilit kong alisin muna sa isip ko si Kurt. Kailangan ko muna mag  aral. Lalo na at malapit na ang finals para sa 1st sem. 

 

 "That's all for today, class. Tomorrow prepare for a unit test. This is also serves as your review for the  upcoming exam." sabi ni Prof. Maririnig naman ang angalan ng mga kaklase ko. "And Miss de la Vega,  next time if you find my lectures boring, just skip attending okay? That would be better than seeing you   like that. Your mind was wandering somewhere else. Or should I say, to someone else?" 

 
Patay! Terror nga pala to. Kaya hindi talaga papalampasin ang ganitong pagkakataon. Expect him to do  this to you in front of his class. 

 

Nakita ko naman ang tingin nina Mich sakin na parang sinasabing okay lang yan. Wag mo intindihin yang  si Sir. 

 
"Sorry, Sir." sabi ko na lang. 

 
"Goodbye class." at umalis na nga si Sir. 

 

 Nagtayuan na din kami at lumabas na. Sakto naman na nag ring ang Cp ko. 

 

 

Unknown number calling. Sino kaya to? 

 

"Hello?" 

 

 "Rian, ganda! Si Jet to!" sabi ng tumawag. 

 

Ah si Jet na kaibigan nina Kuya. "Oh?napatawag ka?" sabi ko ng naglalakad na kami. Tapos na din  naman mga klase namin. Nahuhuli ako sa paglalakad kesa sa tatlong kasama ko. 

 

"Wala naman. Diba sabi mo mag bar hopping tayo? May gagawin ka ba mamaya? Friday naman. Tara?"  -Jetro. 

 

"Ahm. Wala naman. O sige. Sa club eskimo na lang tayo magkita." sagot ko. 

 

"O sige ha. Hihintayin kita dun. Bring your friends na din and i'll bring some of mine para masaya. Bye  ganda! See you!" 

 
Napangiti ako. Kahit kailan talaga bolero si Jetro. "Bye Jet Bolero. See you later!" 

 

Inilagay ko na ulit ang Cp ko sa bag. Pag angat ng tingin ko para hanapin sina Mich ay napatigil ako. 

 

Nakasandal sa isang pader ng room si Kurt at nakatingin sakin. And he's wearing his famous  expressionless emotion. Nakayakap sa kanya ang isang babae na hindi naman si Andrea. Ewan ko kung  sino to. Pero ka-department ko base sa uniform na suot. 

 
Alam kong kita sa mata ko na nasaktan ako sa nakita ko kaya iniiwas ko na kagad ang tingin ko. 

 

Hindi ko na kaya to. 

 

Gusto ko na sya makausap. 

 

Kahit magmukha pa akong tanga. 

 

Pero hindi pa ngayon. 

 

Lumakad na ako at agad ko naman nakita na hinihintay na ako sa di kalayuan ng tatlo. Sympathetic ang  tingin nila sakin. Alam nilang nakita ko si Kurt dahil tanaw pa din naman yun mula dito. 

 
"Tara na." mahina kong sabi. Alam kasi nila na mahal ko pa din hanggang ngayon si Kurt. 

 
Hindi naman yun ganun kabilis mawawala. "Okay lang yan." sabi nila na tinanguan ko lang. Umuna na akong lumakad. 

 

"Gusto nyo sumama mamaya? Bar tayo. Sa club eskimo?" 

 

"Nako pass muna ako ngayon. Pauwi kaming Bulacan ngayon nina Mama." -Claire. 

 

"Ako naman sasamahan ko mga pamangkin ko sa bahay nina Ate. May lakad kasi sila. Ako  

magbabantay." -Pearl. 

 

Si Mich naman tiningnan ko. "Ako? May date sis e." 

 

Nginitian ko sila."Sige. Next time na lang. Papakilala ko pa naman sa inyo yung papable na kaibigan ni  Kuya." 

 

"Ay mas kailangan mo nyan ngayon girl. Sayo na muna sya. Hahahaha!" -Mich. Nagtawanan naman sila  at nag apiran pa. 

 
Natawa na lang din ako. Kung pwede nga lang na ganun. At kung ganun lang din sana kadali na ilipat  ang nararamdaman sa iba. 

 

*@ Club Eskimo* 

 
Nag-eenjoy naman ako kasama ang mga kaibigan ni Jet. Mababait sila. 

 

Umiinom kami ng may tumawag sa Cp ko. "Hello?" malakas na sabi ko. May kaingayan na kasi dito dahil  may mga nasayaw na sa dance floor na mga grupo. 

 

 
"Rian, nasan ka?" -si Mark. 

 

"Club. With Kuya's friend. Bakit?" tanong ko. 

 
"Ah wala naman. Kala ko nasa condo ka lang. Yayayain sana kita lumabas din." sabi nya. 

 
"Ah ganun ba? Sunod ka dito gusto mo?" -ako. Nginitian ko si Raffy na kasama namin. Nagmuwestra  kasi sya na cheers daw kya nginitian ko at itinaas ko ang baso ko. 

 

"Wag na. May sasakyan ka bang dala?Sunduin kita kung wala " ang sweet lang talaga ng lalaking to.  Hahaha 

 

"Yep. So don't bother. Thanks anyway." 

 

"Sige. Basta if anything came up, just call me okay? Ingat ka dyan." 

 

"Copy Sir! Sweet ng bestfriend ko. Sana sayo na lang ako nain-love." hindi ko napigilan sabihin. Nadulas  lang naman ako. 

 

Tumawa sya. Pero base sa pandinig ko, pekeng tawa. "Lasing kana. Kung ano-ano na sinasabi mo." 

 

Natawa na lang din ako. 

 

______ 

 

Mark's POV 

 

"Lasing kana. Kung ano-ano na sinasabi mo." 

 
Narinig ko na lang din na natawa si Rian. 

 

 
"Osige na. Bye na. Ingat ha." na sinagot naman nya na oo daw. "I love you." pero hindi na nya narinig  dahil ini-end call na ni Rian. 

 

 Oo mahal ko sya. Pero wala akong lakas ng loob na sabihin yun sa kanya. 

 

Takot lang ako na masira kung anong meron kami ngayon. 

 

 

 

Nasa condo ni Rian ako ngayon. Nanunuod kami ng movie about sa mag bestfriend na nahulog ang  

loob sa isa't-isa. 

 

"Pano kung mangyari satin yan?" hindi na ako nakatiis na hindi itanong yan sa kanya. Kumbaga inaalam  ko lang kung may pag-asa. 

 
Natawa naman sya. Nakaupo kami sa sofa. Naka-akbay ako sa kanya habang sya naman ay nakasandal  sakin at nakataas ang paa nya sa center table. May hawak syang pringles. 

 
"Ano ka ba!" hinampas sakin yun lata ng pringles. "Wag ka nga mag isip ng kung ano-ano. Ang gay mo  naman para magpa-apekto tayo sa napanuod natin." at tumawa sya ng tumawa. 

 
Nakatingin lang ako sa kanya. Wala palang pag-asa? Ayan nga at tawa lang sya ng tawa sa idea na yun. 

 

 "Huy! Ano na estatwa ka na dyan?" unti-unting nawawala ang ngiti nya. "B-bakit?" 

 

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. "H-hoy! Anong ginagawa mo ha?" lumalayo sya skin.  

"Napikon ka?" 

 

"Gay pala ha." at kiniliti ko sya ng kiniliti. 

 

"Hahaha! T-tama... Hahahaha. N-na! Joke lang yun. Hahaha." kinikiliti ko pa din sya sa tagiliran na pilit  nya naman iniiwasan. 

 

"Walang joke-joke!" Kiniliti ko sya hanggang sa nahulog na sya sa sofa. 

 

 "Aray!" nako mukhang nasaktan ata sya sa pagbagsak. 

 

"Anong masakit?" agad ko naman syang pinuntahan sa carpeted na sahig. 

 

 Hawak nya ang siko nya na hinawakan ko naman kagad. "Masakit ba to?" 

 

 
Dali-dali syang tumayo. "Hahaha. yun ang joke. Hahaha!" binelatan pa ako at tumakbo na sya papasok  sa kwarto. 

 
Napailing na lang ako na natatawa na lang ako. 

 

 Hay pano ko nga ba aaminin sa kanya kung ganito kami diba? 

 
Ipagpapalit ko ba ang kasiyahan namin sa pansarili kong inyensyon? 






 
 
Kaya ayan. Hanggang ngayon hindi ko masabi sa kanya. Pano ko nga din ba aaminin lalo na ngayon na  si Kurt pala ang mahal nya? Hindi pa man ako nagsisimula, talo na kagad. 

 

Kung bakit ba naman kasi hindi na lang ako. 

 
Hinding hindi ko sya sasaktan. 

 
Hinding hindi ako gagawa ng kahit ano para umiyak sya sa sakit. Tears of joy siguro pwede pa. 

 

*End of Mark's POV* 

 

****  

 

15. Part One

Marian's POV

 

 
Haaay. May tama na ako ah? Kasi kung adik kami sa alak ng mga Gaga Girls, mas adik pala tong mga  kasama namin. >__< 

 

 Kaya naman mga bandang 12 ay nagpaalam na ako na uuna na akong umuwi sa kanila. Hanep!  

Mayabang na akong sabihin na mataas ang alcohol tolerance ko, pero natalo ako ah? Hihihi. XD 

 

"Sure ka ba kaya mo pa, ganda?" si Jet. Nasa parking lot na kami ngayon. Pasakay na ako sa kotse ko. 
 

"Oo naman noh. Amats lang naman ng konti e.. Hehe. Anyway, thanks ha? I had so much fun. Hahaha!" - ako. Nakabukas na ang pinto ng kotse ko. 

 

"Okay lang yun. Actually, ako pa nga ang dapat magpasalamat kasi sumama ka pa din e. Next time ulit  ha?" sabi nya. 

 

 

"Oo naman noh. O pano, aalis na ako ha? Ingat kayo dyan. Salamat ulit." hinalikan ko sya sa pisngi at  sumakay na. 

 

 Kinatok nya ang bintana. "Oh?" 

 

 
"Text mo ko kapag nakauwi ka na. Para lang alam ko na safe ka." 

 

 "Sure. Bye." sinarado ko na ang bintana at ini-start na ang engine. 

 

 Habang daan, binuksan ko ang radio. Pero agad kong ini-off ng marinig na mga love songs. Ayoko mag  emo ngayon. 

 

AYOKO. 

 

Dahil tatapusin ko na ang nararamdaman kong ito. 

 

Sa pag alala na yun, lumiko ako sa isang intersection. 

 

Bumaba sa isang building. 

 

 

At nagderecho sa isang floor na bahagyang kinakabahan. 

 

Sana naman magingi okay ang kakalabasan. 

 

*DING* 

 

Tunog ng elevator. Ako lang naman ang sakay kaya andito na ako sa floor ng unit nya. 


Pagtapat ko sa unit nya, nag doorbell ako. 

 

Maya-maya pa naramdaman ko na bumukas na ang pinto. Nakatungo ako kaya paa lang nya ang nakita  ko.. 

 

 

Gosh. Mas nanlalambot ako. :/ 

 

 

*****

 

15.2 

 

Pagtapat ko sa unit nya, nag doorbell ako. 

 

 

Maya-maya pa naramdaman ko na bumukas na ang pinto. Nakatungo ako kaya paa lang nya ang nakita  ko.. 

 

 

Gosh. Mas nanlalambot ako. :/ 

"Anong ginagawa mo dito?" 

 

Tiningnan ko sya. "C-can we talk?" 

 

 "Para san? Umuwi ka na. Lasing ka." aktong sasaraduhan na nya ang pinto. 

 

 

"K-kurt, please." 

 

Naiiyak na ako. The way he looks at me give me shivers. 

 
Tumalikod sya at iniwan na bukas ang pinto. 

 

Kaya naman pumasok na ako. 

 

"Ano ba ang sasabihin mo? Paki bilisan dahil nakakaabala ka na. Matutulog na dapat ako." malamig na  sabi nya. 


Nanatili syang nakatalikod sakin habang ako naman ay nakatayo at tinitingnan ang likod nya. 

 

 

Nangingilid na ang luha ko. 

 

"Kurt.." nilapitan ko sya at niyakap mula sa likod. "I'm sorry I lied." 

 

"Don't you think it's too late for that? At alam ko ng nag sinungaling ka. Sinabi mong mahal mo ako  diba. Pero hindi naman. But it's okay. I don't give a goddamn care. Dahil the feeling's mutual. Kung yan  lang ang sasabihin mo, you can go."
 

Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. "No please.. Alam kong galit ka sakin. But could you please  forgive me? Mahal kita. Totoo yun. I was just jealous that time kaya ko nasabi yun. Pero pinagsisisihan  ko na yun." 

 

Pilit ko syang hinarap sakin. 

 

Iniwas nya ang tingin nya sakin. "Please?" alam ko nakakaawa na ang itsura ko pero wala na akong  pakialam talaga. Mahal ko sya. Mas lalo lang ako magsisisi kapag pinabayaan ko tong ganito lang kami. 

 

 

"Anong akala mo sakin, uto-uto na basta maniniwala?" -Kurt. 

 

 Hinalikan ko sya pero I receive no response. 

 

 

Nang hindi sya nag react bumitaw na ako. "K-kurt..." 

 

"Bakit ka ba ganyan ha, Marian? Tulad nga ng sabi mo, wala lang tayo. We're nothing but fucking  friends. So why do this?" malamig pa din na sabi nya. 

 

"I love you." I said without blinking my eyes. "I'm willing to be your fucking friend again. Basta  makasama lang kita." 

 

May expression sa mukha nya na hindi ko mapangalanan. Kasi biglang nawala din. 

 

 "Bakit? Pano si Jet?" tanong nya. 

 

 "Huh? Si Jet? Wala yun." ako. "Kahit anong gusto mo gagawin ko basta wag lang tayong ganito. Hindi  ko kaya." 

 

Ngumisi sya. "Then prove it. Kiss me. Make me happy." 

 

Natigilan ako. 

 

Pero yun naman sinabi ko ah. 

 

So I kissed him the way I know. At first walang response. 

 

Naghalikan lang kami hanggang iginaya ko sya sa sofa. Unti-unti kong syang hinubadan. 

 

Inulit ko yung mga ginawa ko sa kanya nung huli kaming nagka sama. 

 

 Ilang beses pang naulit yun samin. At isa lang ang napansin ko, hindi na sya katulad ng dati tumugon  sakin. 

 

 And everytime we reached our climax, I always say how much I love him. 

 

Nasa kama na kami ngayon. Kakatapos lang namin. 

 

Nakabalot na ako ng kumot. Kung dati kapag natutulog kami ay nakayakap sya sakin, ngayon ay  nakatalikod sya. 

 

 Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi. Ngayon ko nararamdaman na sapilitan lang talaga ang lahat. 

 

Pero ginusto ko diba? Kaya tatanggapin ko. 

 

*Kinabukasan* 

 

Nagising ako na wala na sya sa tabi ko. 

 

Nasan kaya yun? iniwan na nya kaya ako? Ibang-iba to nung una akong magising sa silid na to. Kung  nung una nakayakap pa sya sakin ng mahigpit, ngayon naman iniwan nya ako. 

 

 

Maya-maya pa naramdaman ko na may lumabas sa Cr. Nakahinga ako kahit papano dahil nalaman ko na hindi naman pala nya ako iniwan. 

 

 

"Ahm. G-goodmorning." This is the most awkward moment for me. Hindi ko kasi alam kung pano sya  papakitunguhan. 

 

"Goodmorning din." Sagot nya habang sinusuot ang shirt nya. "Ihahatid na kita. May lakad kasi kami ni  Tricia." 

 

Tricia? Sinong Tricia? Bagong babae na naman ba nya? Nakaramdam ako ng sakit. Pero dali-dali kong  iniiwas ang mukha ko para hindi nya makita na tutulo na ang luha ko. Dinampot ko na ang mga damit ko  na nakakalat sa sahig at pumunta ng Cr. 

 

 Pagkabihis ay lumabas na din ng kwarto ako. 

 

Nasa sala ang bag ko kaya dun na lang ako mag susuklay. At magpopolbo ng konti. 

 

 
Gusto ko magsisi na nakalabas kagad ako. 

 

 
Kung nagulat ako na andito sya, mas nagulat naman ang bagong dating. Halata sa mukha nya ang lito. 

 

 
"M-marian? Anong ginagawa mo dito?"  

 

 

"K-kuya Jenrick.." 

 

 

*****

 

16: 

 

"K-kuya Jenrick.." 

 

Nilapitan na kagad ako ni Kuya. "Anong ginagawa mo dito?!" 

 

 "K-kuya." Natatakot ako sa nakikita kong galit ni Kuya. Ngayon ko lang sya nakita na ganito. 

 

"Tinatanong kita, Marian! Anong ginagawa mo dito?" Hinawakan ako ni Kuya sa braso. "At ikaw? Anong  ginawa mo sa pinsan ko?!" si Kurt naman ang binalingan nya. 

 
"K-kuya, walang kasalanan si Kurt dito. Ako mismo ang nagpunta dito." mahina kong sabi. 

 

 "What?! At anong pumasok sa utak mo?!" napatungo ako. 

 
"T-totoo kuya yung sa Subic. Yung sinabi mo sakin na may nakakita kay Kurt na lumabas ng room ko." mas mahina na this time ang boses ko. 

 

 "Tangina! All this time ginagawa nyo to? Kelan pa ha?!" sigaw pa din ni Kuya. 

 

Si Kurt ngayon at nakatayo pa din sa may pinto. Hindi nagsasalita. 

 

"Kelan pa?!" niyugyog ako ni Kuya. 

 

"Matagal-tagal na." sagot ni Kurt. 

 

 "Tarantado ka pala!" susugurin ni Kuya si Kurt pero napigilan ko na kagad. 

 

 Napaiyak na akong niyakap si Kuya. "Please Kuya. Wala syang kasalanan. Ako ang may gusto nito." 

 

 "Sa ginagawa nyo bang yan, nagpo-proteksyon kayo?" umiling ako. 

 
Napamura na naman si Kuya. 

 

"Please, wag si Kurt ang sisihin mo. Akong may kasalanan. I asked for this." 

 

"Anong wala syang kasalanan?! May nangyayari na sa inyo! Anong ikaw lang ang may gusto? Pano kung  mabuntis ka? Papanagutan ka ba ng gagong yan?!" 

 

"K-kuya please. Umuwi na tayo. Sa bahay na natin to pag-usapan." hinihigit ko na sya palabas ng unit ni   Kurt. 

 

"No! Hindi tayo lang dalawa ang mag-uusap about this! Dalawa kayong gumawa nito. Kaya sa ayaw at sa gusto nyo, tatlo tayo na pag-uusapan to!" 

 
 Hindi ko na malaman ang gagawin ko. Kilala ko si Kuya, at alam kong sa pagkakataon na to, hindi ko  sya basta lang madadaan sa paglalambing ko. 

 

"Kuya.." hagulgol na ako ng iyak ko ngayon. "I'm sorry. Pero ako talaga ang may kasalanan. Ako ang nagsabi kay Kurt na --------" 

 

 Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin ni Kurt ang pagsasalita ko. "Anong gusto mong  mangyari? Panagutan ko sya?" 

 

This time hindi ko na napigilan si Kuya dahil masyadong mabibilis ang nangyari. Nakatungo kasi ako na nakaupo sa sofa. Nagulat na lang ako ng makarinig ako ng lagabog sa may pinto. 

 

 "Gago! Anong klaseng tanong yan?! Kaibigan kita! Pero anong ginanti mo sakin ha?" Agad kong pinuntahan si Kuya. Si Kurt naman ay pinapahid ang dugo sa may gilid ng labi nya dahil sa suntok ni  Kuya. " Eto pa ha? Eto pa?! Tarantado!" 

 
"Kuya. Please. Tama na." niyakap ko na sya. Iyak na ako ng iyak. "Please, please, please. Tama na." 

 

Huminga si Kuya ng malalim. Pilit nya na kinakalma ang sarili nya. 

 

"Panagutan mo sya." 

 

Nanlaki ang mata ko. "N-no Kuya. Hindi kailangan." awat ko sa sinasabi nya. 

 

 "At anong gusto mong gawin ha? Hayaan na lang to? Wag ka ngang tanga! Isipin mo nga ang sarili mo! Sakin ka ipinagkatiwala ng magulang mo habang nasa ibang bansa sila. Tapos ano? Papabayaan kita?  Sana inisip mo muna ang sasabihin nila bago ka pumasok sa ganitong katarantaduhan." 

 

Hindi pa rin naman kumukibo si Kurt. Halata na may malalim syang iniisip. 

 
"Ako na ang bahala sa maaring mangyari. Just leave this alone to us, Kuya. Please. Kami na ang mag- uusap ni Kurt." -ako. 

 
"Basta kailangan pakasalan ka nya. Dahil kung hindi, ako ang magsasabi sa parents mo Marian, at sayo  din Kurt. You disapponted me, Marian." Lumabas na si Kuya ng unit ni Kurt. 

 

Mahabang katahimikan ang pumagitna samin. 

 
Hikbi pa din ako ng hikbi. 

 

"Masaya ka na ba? Eto ba ang pinlano mo? Sige, papakasalan kita. Pero isa lang ang masasabi ko  sayo, wag ka umasa na maging asawa ako sayo." at si Kurt naman ang lumabas. 

 
Lalong lumakas ang iyak ko sa narinig ko. 

 
Tangina naman. Hindi ganito ang gusto. ko. Lalo tuloy nagalit sakin si Kurt. Oo at mahal ko sya, pero  hindi ganito. Gusto ko kung papakasalan nya ako, yun ay dahil sa gusto nya. Hindi dahil sa napilitan  lang sya. 

 



Litong-lito ako maghapon. Nandito na ako sa condo ko ngayon. Wala naman akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. 

 

Hanggang sa naisipan kong tawagan si Mark. 

 

"H-hello, Mark?" hihikbi-hikbi kong sabi. "Mark." 

"Marian? What happened? Bakit ka umiiyak? Nasan ka?" natataranta na sunod-sunod na tanong nya. 

 

"Nandito ako sa condo.*huk* Pumunta ka please." 

 

"Oo. Sige. Hintayin mo ako dyan. Wag ka na umiyak ha?" 

 

"B-bye." 

 
Sya lang ang naisipan ko na makakaintindi sakin ngayon. Sya ang pinaka bestfriend ko diba? Kaya alam  ko na iintindihin nya ako ng walang halong panghuhusga. 

 

 Pagkaraan ng mahigit 30 minutes may nag doorbell na. 

 

Agad ko namang binuksan at ng makita ko na si Mark, niyakap ko kagad sya. 

 

 "Kuya and Kurt are mad at me *huk* ." tonong pagsusumbong ko at humagulgol naman kagad ng iyak. 

 

"Bakit? Anong nangyari ba?" inakay nya ako paupo sa sofa. 

 

"Kuya caught us.*huk* Sa condo ni Kurt." ako na nanatiling nakayakap sa kanya. 

 

"What? Anong ginagawa mo dun?" 

 

"Hindi ko na kasi matiis na hindi kami ayos ni Kurt so *huk* I went to his pad last night. And just this morning, Kuya went there and he saw us. He demanded *huk* Kurt to marry me. Then he left us. And you know *huk* what? Kurt thought that I framed him up. Para mapilitan sya na panagutan ako. But God knows, I did not." Pag ku-kwento ko ng paputol-putol. Mas lumakas na naman ang iyak ko. 

 

Natahimik si Mark. 

 

Matagal syang hindi umimik na tanging iyak ko lang ang maririnig dito. Hinihimas-himas lang nya ang likod ko. 

 

"Mark, I don't know what to do anymore.*huk* Ayokong pilitin si Kurt. Pero nagbanta na si Kuya na sasabihin daw nya to sa parents namin ni Kurt." 

 
"I-i don't know." mahinang sabi ni Mark. "Stop crying. Alam mong pinaka-ayoko ay ang makitang umiiyak ka. I'll talk to Jenrick." 

 

"Please do that. I'm begging Mark. Don't let him tell this to mom and dad. Alam mo na isasama nila ako  sa Paris once na malaman nila na kung ano-anong ginagawa kong kalokohan. Though hindi naman to kalokohan. Mahal ko lang talaga sya. Mahal na mahal na mahal." 

 

 "Magpahinga ka na muna. Kumain ka na ba?" 

 

Umiling ako. Wala pa akong kinakain na kahit ano ngayong maghapon to think na gabi na. And I don't  have any idea kung anong oras na ngayon. 

 

"Halika na muna sa kwarto mo. Mahiga ka na muna dun. Ipagluluto kita." inakay nya ako papasok sa kwarto ko. Nahiga naman ako at kinumutan nya. 

 

"Kausapin mo si Kuya ha?" sabi ko. 

 

"Oo. Umidlip ka na muna. Gigisingin na lang muna kita kapag nakaluto na ako." Hinalikan nya ako sa  noo at iniwan na muna para mag luto. 

 

_______ 


Mark's POV

 

Matapos kong mapakain si Rian ay pinatulog ko na muna sya. Hindi ko iniwan hanggang hindi sya nakakatulog. 

 

 Sa nalaman ko, hindi ko napigilan na hindi masaktan sa nalaman. Ganun pala nya ka-mahal talaga si Kurt  na mas iniintindi pa nya ito kesa sa sarili nya? 

 

Hindi ko tuloy napigilan na hindi masipa ang gulong ng kotse ko. "Aaaaaah! Fuck you, Kurt Ian  Bermudez! Fuck you for hurting her this bad!" patuloy kong sinisipa ang gulong. Kahit lalaki ako, hindi  ko napigilan na hindi mapaluha ngayong naalala ko ang itsura ni Rian kanina. She looked so devastated.  So wasted. Unti-unti akong napaupo sa gilid. I love her so much that it hurts so bad to see her like that.  

 

 Sinubukan ko na tawagan si Jenrick. "Pare, can we meet? San ka ba ngayon? It's about Rian." nang  sinabi ni Jenrick na magkita na lang kami sa isang coffee shop ngayon, agad akong sumakay ng kotse  ko at pinaharurot yun. 

 

@ Coffee Shop nearby... 

 
Nandun na si Jenrick ng dumating ako. Nasa bandang dulo sya. Dun sa parte na wala masyadong tao.  Alam nya kasi na seryoso ang pag-uusapan namin. Napatingala naman sya sakin ng maramdaman ang  presensya ko.  

Naupo ako sa harap nya. 

 
"If you're here para baguhin ang desisyon ko, wala ka ng magagawa. I made up my mind. At alam ko na concern ka sa pinsan ko dahil pareho lang syang mahalaga sakin. Alam mo kung gano ko sya pinoprotektahan. Higit pa sa tunay na magkapatid ang turingan namin. At pareho lang na ayaw natin na maagrabyado sya." sabi nya. Tinawag nya ang waiter at umorder ng dalawang kape. 

 
"Pero ayaw ni Rian. Nakausap ko sya. Hanggang ngayon, iyak pa din sya ng iyak. Mas nasasaktan lang sya sa mga nangyayari." sagot ko naman sa kanya na nakatingin sa mata nya. 

 
Umiwas ng tingin sakin si Jenrick. "I know what's best for her. Pano kung mabuntis sya?" galit na sabi  nito. 

 

"Papanagutan ko sya." Agad naman nabaling ang tingin nya sakin. 


"Papanagutan?! Alam mo ba ang sinasabi mo? Papanagutan  mo ang hindi naman sayo?" malakas na sabi nya. 

 

 "Oo. Dahil mahal ko sya." natigilan naman si Jenrick sa narinig. "Mahal ko sya higit pa sa kaibigan. Kaya hindi ko sya papabayaan." 

 
"Hindi ko din naman sya papabayaan kaya nga gusto ko matuto sya sa ginawa nyang ito. At hindi tama  na dumi ng iba ay ang ikaw ang maglilinis. Oo at mahal mo sya, pero mali pa din." 

 
"Hindi sya mahal ni Kurt. Masasaktan lang sya ng paulit-ulit ni Kurt. Hahayaan mo ba yun?" 

 

"Alam ko ang ginagawa ko. At alam ko na ito ang mas makakabuti sa kanila. Lalo na kay Rian." sabi nya, 

 

"Hindi mo alam. Pano kung lalong mapahamak si Rian?" ako. 

 
"Alam mong yan ang pinaka-huling bagay na gusto ko." 

 

*End of Mark's POV* 

 

 ____________ 

 
Marian's POV 

 

Isang linggo na ang nakakalipas. 

 
Lunes ngayon. At nasan kami? Wala kami sa campus ngayon. Pare-pareho kaming absent. 

 

Ako, si Mich, Claire, Pearl. 

 

Absent din sa trabaho si Kuya. Sa company ng pamilya namin sya nagtatrabaho as a OIC for Operations  ng DLVega Corp. 

 

at si Kurt. 

 
Dapat masaya ako ngayon kasi araw ng kasal ko e. Pero hindi ko magawang makaramdam man lang ng saya. 

 


 

 

Dumating sa condo ko si Kurt few days ago. 

 

"Pumunta ako dito para sabihin sayo na pumayag na ako sa gusto ng Kuya mo. Kung planado nyo to,  ayan. Panalo na kayo. Sabihin nyo lang sakin kung kelan ang kasal. At asahan nyo na pupunta ako." 

 

Nagulat ako. "No. You don't have to do this. Kakausapin ko ulit si Kuya. Aayusin ko to. Alam ko naman  na papayag din si Kuya na hindi na kailangan umabot sa ganito." 

 
"Ayan na nga e. Pumayag na ako. Ano pang gusto mo? Na hingin ko na pakasalan mo ako with matching romantic dinner and a stunning diamond ring?" sarcastic na sabi nya. 

 
Nangilid na naman ang luha ko. Ganun na ba talaga ang tingin nya sakin? 

 
"Pero tulad ng sinabi ko, wag ka mag eexpect na maging asawa ako sayo." yun lang at iniwan na nya  ako. "Apelyido ko lang ang makukuha mo. Pero hinding hindi ako." 

 
Napatulala na lang ako. 

 
Hanggang sa napaiyak na ako ng tuluyan. 

 

 


 

 Kaya sa palagay nyo ba may dahilan ako para maging masaya ngayon? Wala naman diba? 

 

Oo at magiging asawa ko sya. Pero hanggang sa papel lang. 

 *****

--MissWitty <3

2 komento: