Miyerkules, Mayo 29, 2013

His Bedmate Chapters 11-13



His Bedmate Chapters 11-13

 

Pumunta kami sa isang resto para magbreakfast. 

 I chose a heavy meal. Pasensya gutom lang. Hehe napagod kagabi e.. :PP 

 
"Bilisan mo dyan. Ang bagal mo. 7:30 na oh." 

 

Napasimangot naman ako. "Oo na nga po." 

 
After namin kumain nagpunta na kami sa dalampasigan. Sasakay kasi kami sa bangka e. Yehey! I always do love nature and seas! ;) 

 

Nagulat pa ako ng pagdating namin ay andun na din si Kurt. 

 

 Tiningnan ko naman sya na parang sinasabi na anong ginagawa nya dito. Nagkibit balikat lang naman  

sya. 

 

"Oh pare. Buti nakasama ka. Sabi mo kasi hindi ka sigurado diba?" -si Kuya. 

 

"Ginising ng maaga kasi ako e." -sagot naman nya habang nakatingin sakin. 

 

Umiwas na lang ako. Kinuha ko DSLR ko kay Kuya at nagkunwaring pinipicture-an ang view. 

 

"Ah honey, tara na. Sakay ka na." 

 

Tumango naman ako at sumakay na. Inaalalayan naman ako ni Kuya. 

 

Mga 10 kami ngayon. Kasama si Jetro at iba pa.  Pero may humabol pa. Putapete! Bwisit! 

 
Yung babaeng nakita ko na nakayakap kay Kurt kahapon. At ngayon ko lang din naisip na sya din yung  

babaeng nakasalubong namin sa condo ni Kurt. 

 

 "Babe!" Agad namang tumabi kay Kurt si Hipon. Hindi naman sya pinansin ni Kurt. 

 

"San ka natulog? Katok ako ng katok sa room mo wala ka naman." maarte pang sabi nito. 

 

Tumingin naman sakin si Kurt. "Somewhere else." 

 

Alam kong narinig din ni Kuya yun kasi napatingin din sya kay Kurt. Tas nung ramdam ko na titingin na  

din sakin si Kuya, iniiwas ko na ang tingin ko kay Kurt. 

 

 Sakto naman na may tumabi sakin. Si Jetro. "Hello, Marian. Ganda mo pa din kahit halatang puyat ka  

ah." na sinuklian ko na lang ng ngiti. 

 
Tahimik ako buong byahe at pasimple lang na binabantayan sina Kurt at Hipon. Paminsan-minsan lang  

din ako umiimik kapag tinatanong nina Kuya at Jetro. Napansin nga din ni Kuya na bakit ang tahimik ko  

daw, sabi ko na lang masakit ulo ko. Na totoo naman kasi inaantok pa ako. 

 

Pagkarating dun, napahanga kami sa nakita. Ang ganda. 

 

Napaka-pino ng buhangin tas ang linis ng tubig. Nagkukukay blue-green na nga e. 

 

May mini hotel din pala dito tas mga kiosk. Mas marami din palang water activities dito.  

Snorkeling, scuba diving, banana boating at marami pang iba.Pwede nga din mag wall climbing at zip  

line sa kabilang part nitong island.Simply fabolous. 

 

 Pansamantala na nawala sa isip ko sina Kurt. Kumuha ako ng kumuha ng pictures. 

 
Sa kakakuha ko ng picture, hindi ko namalayan na nahiwalay na pala ako sa kanila. Pag lingon ko, hindi  

ko na sila makita. T_T 

 

 Kaya naman binalikan ko yung sa tingin ko ay pinanggalingan ko. 

 

Nakita ko naman na takbong-takbo palapit sakin si Jetro. "Kanina ka pa namin hinahanap. San ka ba  

galing?" 

 

"Ha? Para saglit lang naman. Tingnan mo andami ko pictures! Hahaha. Ang ganda pala dito!" excited  

ko pang pinakita sa kanya. 

 
"Anong saglit lang? E isang oras ka na hinahanap." - sya. 

"Hala talaga? Anong sabi ni Kuya?" nagulat ako na ganun na pala katagal akong wala? Masyado akong  

nalibang ah. :/ 

 

"Nag aalala. Alam daw nya kasi kasunod ka lang namin. Nawala ka nalang basta." 

 

Nag alala naman ako. "Ay sya tara na. Baka magalit na si Kuya e." hinila ko sya sa kamay para  

makatakbo. 

 

Kaya naman takbong takbo kami hanggang makarating sa isang nipa hut. Lahat sila nakatingin samin.  

Including Kurt. At bumaba pa ang tingin nya sa kamay namin ni Jetro na magka-hawak pa pala. Agad ko  

namang nabitiwan ang kamay ni Jetro. 

 

"Where have you been, Marian!" -sigaw ni Kuya. OA ha. Para 1hour.lang e. 

 

"Naglibot-libot lang, honey." ginamitan ko sya ng malambing kong tono para wag na nya ako pagalitan.  

:D para-paraan. Oyeah! 

 

Konting sermon lang ang binigay nya. Buti na lang. :PP 

 
Maghapon kaming nagtampisaw lang sa dagat, at sinubukan namin lahat ng activities dito. Pinaka da  

best ay ang scuba diving at zipline. 

 

Maghapon din akong inis na inis. Pano ba naman maghapon ng kadikit ni Kurt si Hipon! Grrrrr. 

 
Mga 4:00Pm na at nakahiga na lang ako sa isang chair sa may dalampasigan at napapayungan ng  

payong. Malamang payong nga. :DD 

 
Hindi ko alam na nakatulog na ako. Nagising na lang ako na tinatapik na ako ni Jetro. "Meryenda ka  

muna." may dala syang pie at juice. 

 

Bumangon naman ako. Yan medyo tuyo na ako. Nag swimming kasi kami at naka two piece lang ako. Si  

Kuya kasi biglang nawala e sya ang nagtabi ng cam at cover ko. Kaya eto ako ngayon lang suot ko. 

 

 Kinuha ko inaabot nya. "Thanks." 

 

"Ah, Rian. Pwede ba tayo mag hang out kapag nasa Manila na ulit tayo?" 

 

"Oo naman. Just text me. Bar hopping naman tayo." ako tas tawanan kami. Sa buong maghapon, si  

Jetro ang kasama ko. At masasabi ko na mabait naman sya. Hindi din naman sya nag tatake advantage  

sakin. Kaya palagay na loob ko sa kanya. 

 
Pagkakain namin, bumalik na kami sa nipa hut ng nagtatawanan pa. Kulit din kasi ng isang to e. Parang  

si Mark lang. Bigla ko tuloy namiss ang lalaking yun. 

 

Kumpleto na pala sila. Paalis na kasi kami dahil nag didilim na. 

 

Malamig na naman ang paraan ng pagtingin sakin ni Kurt. 

 
Ano na naman ba ang ginawa ko? 

 

**** 

 

12: 

 

Kurt's POV: 


"Hi readers! Kumusta kayo?" -Kurt. 

 

Naiinis ako kay Marian. 

 

End of Kurt's POV 

 

(MissWitty's Note: Huh? Yun lang masasabi mo, Kurt? Ay kainaman naman. Napaka unti! Yun na yun  

naba talaga yun?? Ayy kung dika lang gwapo e. Hihihihi :PP) 

 

 De joke lang. ang POV ko ay medyo maikli na medyo mahaba. Kasing haba ng.... Ahm. Sakin? Hahaha.  

Oo kasing haba ng aking ano.. Yung sintas ng sapatos. Anong iniisip nyo ha? Hehe. 

 

 

Tigas talaga ng ulo ng Marian na yun. Tsk. 

 Kaninang umaga wala naman akong balak na sumama sa island hopping na yan. Mas gusto ko pa  

matulog. 

 
Hanggang ngayon hindi ko alam na kayang gawin ni Marian yung mga ginawa nya kagabi. Sa totoo lang,  

nasiyahan ako. She satisfied me. Ang hindi ko lang napaghandaan ay ang pagsasabi nya na mahal nya  

ako. Nagulat talaga ako. 

 

At nainis din. Pero mas lamang ang gulat. Mahal nya ako? Pano yung boyfriend nya? Kaya salamat lang  

ang nasabi ko. Pero nalinawan naman kagad ako na yung honey na tinatawag nya ay si Jenrick pala.  

Laking tanga ko talaga! 

 

Nung nagbihis sya at nakita kong naka ganun na naman syang damit, napag desisyunan kong sumama  

sa kanila. Tutal niyayaya naman ako ni Jenrick. 

 
Hindi ko alam ang pakiramdam na to. Hindi ko maipaliwanag. Basta isa lang ang alam ko, ayokong may  

nalapit sa kanyang iba. 

 

Lalo na si Jetro


*End of Kurt's POV.* 

 

__________ 

 

Marian's POV 

 

Pagbalik namin ng resort, nag derecho ako sa kwarto ko para mag shower. 

 

Hmmm. Freshness. 

 

Dahil sabi naman ni Kuya kakatukin na lang nya ako dito kapag magdi-dinner na kami, nagpunta na lang  

ako sa veranda. Makapaf pahangin muna. 

 

 Ang sarap naman ng hangin. Ang ganda din pala ng view mula dito. Tanaw ang dagat. May mangilan- 

ngilan pa ngang naglalakad. May grupo din na nagbo-bonfire. 

 
Nagulat ako na may kasamang inis din ng matanawan kong naglalakad sina Kurt kasama si hipon at  

tatlong iba pa. 

 

Tarantadong to. Hindi na humiwalay kay hipon ah. Bwisit! 

 
Kita ko pa ng pumulupot si  Hipon kay Kurt.


Naramdaman yata ni Kurt na may nagmamasid sa kanya kaya lumingon-lingon sya hanggang mapatingin  

sya sa side ko. 

 
Kitang kita ko ng ngumisi sya. Kaya naman nginisian ko na lang din. Ganyanan pala ha? 

 

 

 

 

*@ CocoClub* 

 

Pagkatapos namin maghapunan dito namin napag pasyahan ni Kuya na magpalipas muna ng oras.  

Maaga din naman kaming aakyat kasi mamayang madaling araw uuwi nadin kami. 

 

Sumunod samin dito sina France, Jetro, apat pang iba. 

 
Dahil gusto ko mag enjoy ngayon, uminom ako. Nang magyaya sila na sumayaw sa dance floor,  

sumama ako. 

 
Sayawan kami ng sayawan lang. Tawanan Kulitan. Inom din ng inom. Nawala na nga din sa paligid si  

Kuya at France. Baka nanchi-chix. Yun daw kasi gagawin nila. 

 

 Dahil padami ng padami ang naiinom namin, nagiging wild na din kami. Sayaw kami ng magagaslaw. 

 

Nagsesexy dance kami nina Jetro ng may biglang humila sakin. 

 

Kinaladkad ako palabas ng club. 

 
Ay pocha. Ang sakit ng hawak sakin ha. At nahihilo ako lalo. (@_@) 

 

"Talaga bang hindi ka titino?" galit na sinigawan ko ni Kurt. 

 

Nginitian ko lang sya at hinaplos ang pisngi. "Bakit? Wala naman ako ginagawang masama ah?" 

 

"Bullshit! Anong walang ginagawa??!" hinawakan nya ako sa kamay at hinila ulit. This time papunta na sa  

kwarto ko. 

 

"A-aray! Ano ba! Nasasaktan ako!" Hinahampas ko sya sa braso para pigilan ang pagkaladkad nya. 

 
Hindi nya ako pinansin. 

 

Hanggang makarating kami sa kwarto ay sinisigawan ko sya pero hindi nya ako iniintindi. 

 
Pabalibag nya akong binitiwan sa kama. 

 
"Ano bang problema mo?!" -ako. Naiirita na din ako sa kanya..Sinigawan ko sya. 

 
"Ikaw ang problema ko!" mas malakas na sigaw nya. "Hindi mo ba naisip ang ginagawa mo kanina dun  

ha? Pano kung hindi ako dumating? Halos bastusin ka na ng mga lalaki dun ah? Gustong gusto mo  

naman!" 

 
"Anong gusto ko? Tanga ka ba? Nakita mo ba na nagsasayaw lang naman kami! Anong masama dun  

ha?" sigaw ko din. Hindi ako papatalo sa palakasan ng boses sa kanya. Anong akala nya? 

 
"Sayaw na halos halikan at hawakan ka na nila kung saan-saan!" palakad lakad sya sa maliit na space  

nitong kwarto. 

 
"Anong sinasabi mo?Hindi yan ang nangyayari kanina!" 

 
"Hindi? Kaya pala iba yung nakita ko kanina!" mas lumalakas yata ang boses nya kapag nasagot ako. :/ 
Kaya napikon na ako. Hindi ako sanay na sinisigawan ng ganito. "E ano naman?! Hindi naman tayo diba?  

Wala kang pakialam kung ganun nga. Kahit makipag halikan ako sa kanila, kahit magpahawak ako sa  

kanila! Wala kang pakialam! Ikaw nga sine-sex ako diba? Samantalang yung iba, ganun lang nagagalit ka  

na? Takte! Wag kang sakim! Hindi ako sayo baka nakakalimutan mo? We're nothing but fucking friends!" 

 
Hindi ko alam kung san mga nanggaling yung mga salitang yun. Pero kabaliktaran nun ang mga gusto  

ko talaga sabihin. 

 

"Hindi totoo na sinabi mong mahal mo ako?" mahinang sabi nya. Hindi ko napansin na nag iba na pala  

ang expression nya. Na malumanay na ang paraan ng pagtatanong nya. 

 

"Hindi! Nadala lang ako nung gabing 'yun!" naisagot ko ng hindi nag iisip. 

 

 Pero biglang gusto ko na kagad bawiin ng mapag isip-isip ko ang sinagot ko. 

 

 Gusto ko sabihin na nagseselos ako sa mga nakita ko kanina. :( Na gusto ko lang ipakita sa sarili ko na  

kaya ko din ang saktan sya kung pwede. :( 

 

 Halatang natigilan sya sa mga sinabi ko. Kita ko sa expression ng mata nya ang gulat na napalitan ng  

pagkalito tas naging sakit? Tama ba na nasaktan ko sya? Pero agad nawala yun at napalitan ng galit.  

Hanggang sa maging malamig na ulit ang paraan ng pagtingin nya sa akin. 

 
"Oo nga pala. Nakalimutan ko. Salamat sa pagpapa-alala, my fucking friend." yun lang at lumabas na  

sya. 

 

The moment when he closes the door, tears fell from my eyes. Hanggang sa napahagulgol na lang ako. 

 

Ang tanga ko para sabihin lahat ng yun. Nagpadalos dalos ako sa mga sinabi ko. Sh*t talaga! 

 

 Nakatulugan ko na ang pag iyak. 

 

 

**** 

 

13: 

 Nasa campus na ako ngayon, kakarating ko lang. 

 

 Nung madaling araw na umalis kaming Subic, palihim ko syang hinanap. Halos kasabayan lang din namin  

kasi umalis yung ibang kasama namin. 

 
At si Kurt? Hindi ko alam. Hindi ko sya nakita nun. 

 
Ilang araw ko na din syang hindi nakikita. Nang minsan pa nga na makasalubong ko sina Vin, hinanap ko  

sya pero hindi daw pumasok. 

 

 Alam kong mali ako sa mga sinabi ko. Pero nadala lang ako ng selos. Oo at alam kong wala kaming  

relasyon, pero diba ang pagseselos hindi kailangan ng karapatan? Kusa mo mararamdaman yun kapag  

mahal o gusto mo ang isang tao. 

 
And in my case, alam nyong mahal na mahal ko si Kurt. 

 
Posible din kaya na mahal nya ako? The way he reacted that night was a proof that he might have  

something for me. 

 

 Could it possibly be love? 

 

 Mahirap umasa. 

 

 Pero gusto ko makausap si Kurt. Gusto ko magpaliwanag. 

 
Ilang araw na din naman akong lutang. Parang wala sa sarili. Pinipilit nga ako ng Gaga Girls kung anong  

nangyari pero sabi ko iku-kwento ko din sa kanila kapag kaya ko na. At nirespeto naman nila yun. Pilit na  

lang nila akong pinapasaya kapag natutulala ako minsan. 

 

 Kailangan ko na makausap si Kurt. Para hindi na ako gabi-gabing umiiyak kapag iniisip ko ang nangyari  

ng huling gabi namin sa Subic. 

 

 
Pero mukhang hindi na kailangan.... 

 

 Naglalakad ako papuntang cafeteria ng... 

 

"Oh well, Hon, look who's here!" sabi ng isang boses kaya naman napalingon ako. 

 

 At nakita ko na si Andrea at Kurt. Nakakapit sa braso nya si Andrea na mukha namang napagsampal ng  

sampung demonyo dahil sa kapal ng blush on. Kasama nila ang mga barkada ni Kurt. Hindi ko na sana papansinin at itutuloy ko na sana ang paglakad ko ng matigilan ako sa sinabi ni  

Andrea. "Ano Miss Dela Vega, Diba tama ako? Pag pinagsawaan ka ni Kurt, iiwan ka na lang din nya at  

babalikan ako." 

 

 Nakakakuha na naman kami ng atensyon ng ibang mga estudyante. Eto pa naman ang pinaka ayoko. :/ 

 

 Tingnan ko si Kurt, umaasa ako na katulad nung una na ipagtatanggol nya ako. Pero nakatingin lang sya  

sakin at mukhang walang balak na ipagtanggol ako. Blangko ang expression ng mukha at malamig ang  

paraan ng pagtingin nya. 

 

 "Ano? hindi ka makaimik dyan?" si Andrea. "Kawawa ka naman. Napabilang ka lang din sa pinaglaruan  

ng Kurt ko. How was it?" at nginitian pa ako ng nakakaloko. 

 

 Sya naman ang tiningnan ko. Ayokong magpaapi. Lalong ayoko na mangyari yun sa harap ni Kurt. Pinilit  

kong ipakita na wala ding expression ang mukha ko. Na matatag ako at walang paki sa nangyayari. 

 

 Nag chin up ako. "It was pure fun. Oo sayo na nga sya. Tutal sawa na din naman ako sa kanya e." lumakas  

tuloy lalo ang kanina pang nagsimulang bulungan dahil sa sinabi ko. "At kung tapos na samin ang kahit  

na ano ni Kurt, tinanggap ko. Hindi mo katulad na akala mo sardinas na pilit isinisiksik ang sarili. He's all  

yours for all I care." 

 

 Nakalapit naman kagad sakin si Andrea at tangkang sasampalin ako pero nahawakan ko kagad ang  

kamay nya. "Don't you ever dare. Dahil wala kang karapatan na dungisan ang mukha ko at itulad sa  

pagmumukha mo na totally damaged na. Pinipilit na lang takpan ng make-up." nanlaki ang mata nya. 

 
"What?! You bit---" hindi ko na sya hinayaan na tapusin. 

 

 "Yeah I'm a bitch. And don't you ever try to mess up with a bitch. Dahil baka hindi mo kayanin."  

pabalibag kong binitiwan ang kamay nya at lumakad palayo. 

 
Narinig ko naman ng nag iinarteng nagsumbong sya kay Kurt. 

 

 At kung anong reaction ni Kurt? Wala akong paki. 
 

Dahil ngayon, nasagot na ang mga tanong ko. Hindi na ako gustong makausap ni Kurt. At wala na syang  

pakialam sakin. 

 

 Pumasok ako ng cafeteria as if nothing happened. 

 
Sinalubong naman ako ng Gaga Girls. 

 

 "Wooooh! Galing!" - Claire 

 

 "Yey! Yan si Marian! " - sigaw naman ni Pearl at nilingon pa ang mga estudyante na nakatingin samin.  

"Galing noh?" 

 
"Yessss! Attention whore talaga yang si Andrea! Buti na lang kinawawa mo, Bru!" -Mich. 

 
Para pa silang bata na nagtatalon. 

 
"Heh! Tumigil nga kayo." hindi ngumingiting sabi ko. Hindi ko kasi magawang matuwa sa nangyari. 

 

 Dahil hindi naman ako ang panalo. 

 

Si Andrea pa din. 

 

Dahil nasa kanya si Kurt. 

 

 Nahalata naman yata nila na hindi ako nasisiyahan kaya tumigil na din sila. 

 
"Okay ka lang ba?" -Pearl. Hinawakan pa ako sa kamay. 

 
Iginaya naman ako ni Claire paupo sa mesa na ino-occupy nila. 

 
Tinabihan naman kagad ako ni Mich. Sa mga ganitong pagkakataon, maasahan pa din naman na ang  

kaseryosohan ng babaeng to. 

 
"Anong nangyari?" -Mich. 

 

Umiling lang ako at tumungo. Nangingilid na kasi ang luha ko. 

 
"Anong wala? You can tell us everything diba?" -Claire. 

 
"Bakit nga ba kayo naging ganun ni Kurt? Hindi ka na nya pinagtatanggol." -Pearl. 

 

 "Buntis ka ba kaya ka nya nilayuan?!" -Mich. 

 

Nanlaki ang mata ko. Buntis??! 

 

 Syempre hindi. Pero hindi pa nga ako dinadatnan ng mens na dapat ay ngayong linggong to. Baka na-late lang. 

 

"Buntis ka??!" sila yan. Pero sa mahinang boses lang. Dahil alam nila na maraming makakarinig kapag  

sinigaw nila. 

 

 
Umiling ako. "Hindi ah!" tumingin ako sa orasan ko at nakitang malapit na ang sunod na klase. Pinahid  

ko ang gilid ng mata ko. 

 

 "Tara na. Male-late na tayo." sabay tayo ako. 

 

 

"Eeeeh! Mamaya na! mag ku-kwento ka pa e!" -si Mich. May pagpadyak pa ng paa. 

 

 "Mamaya na. Sa condo ko na kayo matulog. Iku-kwento ko lahat." ako. Pilit kong tinatagan ang sarili ko  

kahit gusto ko ng humagulgol ng iyak. 

 
Hindi ngayon ang tamang oras at lugar para dun. Ayokong makita nila na mahina ako. 

 

Pagkatapos ng mga klase namin, sumama na nga sila pauwi. Dumaan lang kami sa isang resto para  

mag take out ng mga makakain. Wag na daw mag luto. Abala lang yun sa pagchi-chikahan. 

 

 Kaya paguwi namin, 

 

 "Oh ano na?" -si Pearl. Mga hindi sila atat noh? XD 

 

 Nag derecho akong kwarto para magbihis. Sumunod naman sila. 

 

 "Yun nga. I got Kurt mad at me." sabi ko habang sinusuot ang short ko. Sanay naman ako mag bihis sa  

harap nila. Sa tagal na naming magkakasama, at madalas mag-overnight sa bahay ng bawat isa, sino pa  

ba naman ang hindi masasanay diba? 

 

"Bakit?" -Mich 

 
"What exactly happened?" -Claire. 

 

 Humarap ako sa kanila. Magsusuot na sana ako ng damit. 

 

"Ang dami na nyang kasa----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng lumapit si Pearl sakin. 

 

"Is that love bites?" sabi nya ng nakaturo sa may dibdib ko. Nagtayuan naman sa kama ko sina Mich at  

Claire at lumapit din samin. 

 

 "H-ha? Ah." ako. Hindi ko malaman isasagot ko. Nahihiya ako. >//////< 

 

"Aha! Oo nga ano. At sa may dibdib mo pa! Ibang klase naman si Kurt! -Mich. 

 

Lalo ako nahiya. Hindi pa din pala nawawala yung mga marks. :/ 

 

 Tumalikod ako sa kanila. At sinuot na ang sando ko. Sa bahay lang naman kaya ayos na to. 

 
"Oo na. Gawa to ni Kurt." nahihiya kong sagot. 

 
"Wow! Grabe! Kelan pa yan?" 

 

 Hinarap ko na ulit sila. "Nung isang gabi." 

 

 "Naman naman! Ang dalas nyan ha. Baka naman mabuntis ka ni Kurt? Nagamit ba kayo ng proteksyon?"  

-Claire. 

 
Umalis ako sa harap nila at pumuntang kama. Nahiga ako dun. 

 
Tumabi naman sakin si Mich at Claire habang si Pearl ay hinila ang isang upuan at dun sya pumuwesto. 

 

 "Hindi. Pero malabo naman akong mabuntis nya. Alam nyo naman na ang mga katulad ni Kurt maingat  

pagdating sa ganyang bagay." 

 

 "Oh kwento mo na ang nangyari! Bakit nagalit sayo?" si Mich na pinopoke pa ang tagiliran ko. 

 

"Hayaan nyo sya. Kung tutuusin ako pa dapat ang magalit sa kanya. Sinabihan nya ako na basta-basta  

pumapatol kung kanino. Katulad dun sa kaibigan nya. Akala nya sumama ako kay Mick nung sinama nya  

ako sa party ng kaibigan nya." ako. Blangko ang expression ng mukha ko kung titingnan. Pero deep  

inside, nasasaktan ako pag naalala ko yung mga masasakit na sinabi nya sakin. 

 

Pilit kong binabalewala ang mga sinabi nya. Ginusto ko to, right? So tanggapin ko dapat ang mga  

mangyayari, iisipin, at sakit. 

 
Sino nga ba ang matinong babae na gagawin ang mga ginawa ko sa kanya? Una na ang pag payag na  

may mangyari samin. 

 

 Nagulat naman sila. "Talaga? Oh tapos anong nangyari sa Subic?" At knuwento ko nga yung nangyari ng gabing yun. 

 
Natapos ang kwento ko sa kanila ay mukhang shocked pa din sila. Nanatili naman akong nakahiga. Buti  

na lang habang nagku-kwento napigilan ko ang pag-iyak. 

 

 Tama na siguro ang ilang gabing pag-iyak. 

 

"Bruha ka! Napaka-slow mo!" sigaw ni Claire ng makabawi sa shock. 

 

Napatingin ako sa kanya. 

 
"Oo nga. Bobita ka!" -Mich. Nagsalita ang matalino. :/ 

 

 "Ha? Sinasabi nyo dyan?" takang tanong ko naman. 

 

 "Nagseselos sya!" sabay-sabay pa silang tatlo na sumigaw. 

 

Aaaaaaah! Nakakabingi! =____= 

 

"Nagseselos?" ako. 

 

"Oo! Pinoprotektakahan kasi nya ang akala nya ay sa kanya. Kanya ka na diba? Don't tell us, naniwala  

ka na wala ka lang talaga sa kanya? Girl! Alam mo na hindi. Yung pagtatanggol pa lang nya sayo ay  

proof na mahalaga ka sa kanya." -Pearl. 

 

Natawa naman ako ng mapait. Ako mahalaga kay Kurt? Kapag nasa kama kami sguro, oo. 

 
"Hindi yan. Ano ba kayo? Wag kasi kayo basa ng basa ng mga kwento sa wattpad. Hindi naman lahat  

ganun ang madalas na mangyari e." ako 

 

 "Hindi yan! Trust us. Mahalaga ka sa kanya." -Claire. 

 

"Hindi yan. Wag tayong umasa sa mali, girls." ako. Unti-unti ng tumutulo ang luha ko. "Masakit ang  

umasa sa hindi naman totoo. Dahil mas masakit lang ang disappointments." at tuluyan ng nabasag ang  

boses ko. 

 

Nung nakita nila na naiyak na ako, niyakap na lang nila ako. Si Pearl naman ay tumayo sa pagkakaupo  

nya at tumabi na din samin. Nagyakapan na kami. 

 

 
Napahagulgol na ako. Hindi nga pala ako nag-iisa. Andito ang mga kaibigan ko na alam kong karamay  

ko sa mga ganitong pagkakataon. Hindi na nila kailangan pa mag salita ng kung ano-anong comforting  

words dahil presensya pa lang nila ay sapat na. Alam kong sila, mahal nila ako. 

 

Nag-iiyakan na kami ng biglang may mag-doorbell. 

 

 Sumikdo ang dibdib ko. Umaasa ba ako na si Kurt yun? 

 

 Nah. Malamang hindi. T_T 

 

 Tumayo ako at pinahid ang luha ko. Dumampot na din ako ng tissue para suminga. 

 

"Ako na ang magbubukas." -si Claire. Tumayo na din naman sila Pearl at Mich. 

 
"Lumabas ka na ha, Rian. Ihahanda na namin ang pagkain. Tapos movie marathon tayo." at lumabas na  

din sila. 

 

Naiwan ako mag-isa dito. Napangiti ako ng mapait ng maalala ang sinabi nila. 

 

 
Posible nga kaya na kahit papano, mahalaga ako kay Kurt? 

 

 

 Kung magpapaka-totoo lang ako, alam ko sa sarili ko na hindi ko pa din kaya ang bumitaw sa kanya.  

Mahal na mahal ko sya. Sobra-sobra. 

 

 Ilang sandali pa, sumunod na din ako sa kanila palabas. Nagulat pa ako ng makita ko si Mark. 

 

"A-anong ginagawa mo dito?" 

 

Agad naman akong nilapitan ni Mark. "Umiyak ka ba?" 

 
Kaya naman iniiwas ko ang mukha ko. "H-hindi. May nilinis lang ako sa loob, at napuwing ako." pag  

sisinungaling ko. 

 

"Bakit ka nga ba andito, Marky?" pag sinigit ni Mich. Alam ko na iniiba lang nya ang usapan.  

Nagpapasalamat naman akong tumingin sa kanya. 

 

 "Oo nga. Pano mo nalama na andito kami?" ako  

"Wala lang. Just a wild guess." tumingin sya kina Mich. "Nandito ako para alamin kung anong nangyari  

kanina. Inaway ka daw ni Andrea?" si Mark at tumingin ulit sakin. 

 

 "Ah wala yun." ako. Umalis ako sa harap nya at nag punta sa sofa. Dinampot ko ang remote para  

buksan ang TV. 

 
"Oo nga naman. Wala yun. Wag ka paapekto sa chismis. Mali-mali naman minsan yun." -si Pearl. 

 
Na sinang-ayunan naman nina Mich. Sinamahan pa nga nila ng plastik na ngiti. 

 

"Wag ka na magsinungaling sakin, Marian." ginamitan na naman nya ako ng boses na kailangan sumagot  

ako ng matino. Para din si Kuya Jenrick to e. Masyadong OA. 

 

 "Wala nga lang kasi yun." ako. 

 

 "Anong wala?! Wala lang ba yun na usap-usapan na kayo sa buong campus? Na sinasabi nila na wala ka  

din naman daw palang pinag-kaiba sa mga naging babae ni Kurt??! Ngayon mo nga sabihin sakin na  

wala lang yan!" napasigaw na sya. 

 

 Kaya naman natahimik kami. 

 

 Huminga ako ng malalim. "Oo. Tama naman sila e. Wala akong pinag-kaiba. Ngayon, masaya ka na?"  

hindi ko sinasadya mainis. Hindi para sa kanya dahil alam kong concern lang naman sya sakin. Ang  

kinakainis ko ay ang kumakalat na chismis. Psssh! -__- 

 

Natigilan naman si Mark. "Tangina naman, Marian!" napasuntok pa sya sa pader. Kaya naman lalo  

kaming natahimik. Kilala namin si Mark. Hindi nya talaga hahayaan ang ganito lang. Basta kaming tatlo  

ang nasama sa ganyang usapin, sineseryoso nya. 

 

 "Ako ang magiging taga-tanggol nyo, pag laki natin. Hindi ko hahayaan na may umapi sa inyo hanggang  

andito ako." yan yung eksaktong sinabi nya saming tatlo dati nung mga bata pa kami. At so far naman,  

ginagawa lagi ni Mark yun. 

 

 "Anong naisip mo at ginawa mo yun?" nakatingin sya sakin. Hindi ko naman magawang salubungin ang  

mata nya.  

 
MARIAN DELA VEGA

 "I'm sorry." mahinang sabi ko at napatungo ako. Naiiyak na naman ako. Hindi ko naisip na sa mga  

kagagahan na ginawa ko, maaring marami ang maapektuhan. Lalo na kapag nalaman to ni Kuya Jenrick.  

:( 

 
Nilapitan ako ni Mark at niyakap. "Alam mo naman na ayoko lang na naagrabyado alin man sa inyong  

tatlo." 

 

 "Sorry.." yun lang ang masabi ko kasi iyak na naman ako ng iyak. Nakita ko na naiiyak na din ang tatlo. 

 

 "Kakausapin ko si Kurt." bakas sa boses nya ang determinasyon. 

 
"Wag!" pigil ko kagad. "Wag na please. Ginusto ko naman lahat ng nangyari samin.Kaya hayaan na lang  

natin." ako. 

 

Pinahid nya ang luha ko. "Anong pabayaan na lang? Hindi pwede yun!" galit na sabi nya. 

 

 "Please. Wag na. Hayaan na lang natin na isipi nya na hindi ako ganun kaapektado." ako. 

 

Napahinga ng malalim si Mark. "Sige. Pero promise me, kapag ginulo ka pa ni Andrea, sabihin mo sakin.  

Kahit babae pa sya, makakatikim sya sakin. There's no excemption to my rule. Kahit babae pa sya." 

 
Napayakap na lang ako sa kanya. 

 
*****

--MissWitty <3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento